Sabado, Pebrero 25, 2017

Kabesang Tales

Pamagat: IV - Kabesang Tales
Buod:
          Sa kanilang lalawigan, isa sa mga nangunguna at mayroong maunlad na buhay ay si Telesforo o Tales na siyang anak ni Selo. Mayroon siyang lupaing kanyang pinaglinlang  nang walang legal na dokumento na ito ay pagmamay-ari niya. Bago paman ito nagig lupang sakahan, isa itong kagubatang hinawan niya sa tulong ng kanyang asawa at tatlong anak. Habang ginagawa nila ito ay nagkasakit at namatay ang kanyang asawa at pinakamatandang anak na si Lucia. Sa kabilang trahedyang ito ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa hanggang sa ito'y naging lupang sakahan.
          Bago paman ang unang ani ay inangkin ng isang orden ng mga pari ang lupa at sinabing sakop pa niya ito. Sinabi niyang papayagan niyang magpatuloy na magsaka si Tales hangga't magbabayad siya ng dalawampu't piso taon-taon. Sumang-ayon na lamang siya upang walang gulo.
          Tumaas ang buwis habang dumadaan ang taon ngunit 'di siya nagreklamo. Sinabihan siya ng ama niya na isipin na lamang niyang lumalaki na ang inaalagaan niyang buwaya. Umunlad siya at naging tagapangolekta ng buwis at siya'y binansagang Kabesang Tales.
          Mayroong mga pagkakataong hindi nakababayad ng buwis ang iilan kaya't tinutubos na lamang niya ito. Nang umabot na ng dalawang daang piso, hindi na niya natiis kaya't nagreklamo siya. Sinabi niyang hindi siya magbabayad ng buwis at hindi niya ipagkakaloob ang lupain sa taong hindi makapagdidilig ng sariling dugo, at dugo ng asawa at anak nito sa lupain.
          Natalo si Tales sa usapin dahil umabot din sa puntong naubos ang pera sa pagbabayad ng abogado na kumakampi rin sa mga prayle. Pinaalis niya ang kanyang anak na lalaking si Tano upang hindi na madamay pa.
          Isang araw, nang lumabas si Tales sa bahay ay nadakip siya ng mga tulisang humihingi ng limang daang piso upang pakawalan siya. Dahil sa kahirapan, nakapagdesisyon ang pinakabatang anak niyang si Juli na mangutang at manilbihan, dahil na rin sa payo ni Hermana Bali, upang mabayaran ito.
Tauhan:
•Tata Selo - Siya ang ama ni Tales na siyang dating tumatangkilik kay Basilio.
•Kabesang Tales - Ang totoong pangalan niya ay Telesforo. Naghimagsik siya nang hindi na nakayanan ang pang-aabusong mga prayle.
•Juli - Siya ang pinakabatang anak ni Tales na nanilbihan upang mabayaran ang utang na ipinangbayad sa mga tulisan.
•Tano - Siya ang lalaking anak ni Tales sinasabing naging gwardya sibil.
•Lucia - Siya ang pinakamatandang anak ni Tales na namatay dahil sa sakit.
•Hermana Bali - Siya ang nagpayo kay Juli na mangutang upang mabayaran ang mga tulisan.
Suliranin:
•Inangkin ng isang orden ng mga prayle ang lupa at pinagbayad ng buwis si Tales upang hindi bawiin ang lupa. Tumaas ang buwis at nagreklamo si Tales. Sa huli ay natalo siya sa usapin dahil naubos na rin ang pera sa pagbabayad ng mga abogadong kumakampi rin sa mga prayle.
•Nadakip ng mga tulisan si Tales at humingi ang mga ito ng limang daang piso upang pakawalan siya kaya nangutang si Juli at nanilbihan upang mabayaran ito.
Isyung Panlipunan:
•Kahirapan - Napipilitan ang mga Pilipino na iwan ang kanilang mga pamilya upang makapagtrabaho sa ibang bansa at matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
•Corruption - ang pera na dapat sa bayan ay ibinubulsa kaya mas humihina ang asenso ng ating bansa.
•Mga taong inaabuso ang kapangyaharihan - ginagamit ng mga makapangyarihang tao ang kanilang posisyon upang makuha ang kanilang mga gusto nang walang hustisya.
Gintong aral:
•Ang kabaitan ay isang magandang bagay ngunit huwag nating hayaang abusuhin ang kabaitang ito.
•Huwag tayong magpabulag-bulagan. Matuto tayong lumaban.